Hindi na ako natutuwang mag-birthday. Pakiramdam ko habang nadadagdagan ang edad ko ay nagiging lalong huli na para sa akin ang mga bagay-bagay. Di ko makaya ang bilis ng takbo ng buhay. Para akong patay na isda na inaanod na lang ng current ng tubig. Lahat na lang naging delayed sa akin. Meron sana akong gustong gawin o mangyari sa buhay ko bago ako lumampas ng bente uno. Kulang na lang sabihan ko ang mga kaibigan ko na patayin nila ako kapag hindi ko ito nagawa. Kung natuloy yon, bye bye na sana ako sa mundo… sa mismong birthday ko.
Maiba naman tayo, kagabi may nakita akong cute na Koreana. In fairness naman sa mga Koreanong naglipana sa Lipa, noon lang ata ako nakakita ng ganung kaganda. Mahal ko na yata ang Koreanang yon, LOL!
Saka nga pala, tunay ngang September ang breeding season ng mga tao. Marami akong nare-recieve na birthday reminder sa Friendster. Happy birthday na rin sa inyo. Salamat nga pala sa mga bumati sa akin.





hala, ang aga ng midlife crisis mo. hehehe. thanks for dropping by sa blog ko (wired).
ay, happy birthday nga pala.
Thanks ate! Hahaha! Mga naiisip ko nga naman no?